A friend of mine forwarded this email--and it really made my day! its nice to reminisce your childhood talaga! I've grown up, for sure. I live an adult life with adult problems and responsibilities. But I remember the child I was, the shyness, the exuberance, the worries, the carefreeness---now, lets all remember the beautiful childhood we all shared!
Noong ikaw ay bata pa, nagawa mo ba ang mga ito?
1. Kumakain ka ba ng aratilis? (sarapppppp!)
2. Nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting? (or ginagawang oil ang katas!--sabay prito ng margarine!:)
3. Pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog? (na magtutulog tulog at pag naunang makatulog ang nanay--lalayas na sa kama para mag laro!)
4. Marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik? (bubuka ang bulaklak--sasara ang bulakla!)
5. Malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? (go pacman!)
6. Alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right,b, a, start (commando)? tapos maglalaro ng super mario? (beware of the mushrooms!)
7. May mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
8. Addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
9. Nanonood ka ng Shaider kasi nabobosohan mo si Annie at type na type mo ang puting panty nya? (inspiration ni big brother!)
10. Alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant (um-shigi shigi)?
12. Kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si ning-ning at ging-ging? PERLAS NA BILOG, HUWAG TUTUTLOG TULOG, SABIHIN AGAD SA AKIN ANG SAGOT, BA-BE-BI-BO-BU (go kuya bogie!)
13. Inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna.
14. Alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
16. Gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
17. Meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
18. Nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo? (motto: love is blind! gasgas!)
19. idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers? (nabubuksan lahat gamit ang hairpin! lupit talaga ni mc gayver!)
20. Eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati? (at phone na pangkaskas ng yelo---mega bigat--pwedeng pakilo!)
21.. Nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala? (3 bentesingko--dingdong's song!)
22. Cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"? (achehehe!)
23. at manood ng Eat Bulaga sa Channel 13 tapos nalipat sa 9 tapos sa 5 sumunod sa dos at ngayon nasa GMA 7 na..(student canteen!)
24. O kaya naman manood ng 'sang linggo na po sila ng APO sa dos..
25. Inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
27. Noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
28. Alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie".
29.Sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
30. Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
31. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong. .. diba naninipit yun?
32. Alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and syempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
33. Meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin? (humanap ka ng pangit...)
34. Laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
34. Laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
35. Bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal? (palakihan ng bubble)
36. Nanonood ka ba ng Madeline, Art Jam, Silip, detek Kids, Pahina Kokey, Hiraya Manawari, Math Tinik, Epol Apple, B1 at B2 at Bayani bago pumasok sa School lalo na kung pang-hapon ka??
37. Takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo at yun ang tatawaging Y2K at pag dating daw ng year 2000 mawawala lahat ng powers ng mga appliances sa bahay nyo at mabubuhay ang buong mundo ng walang ilaw sa gabi?
38. Maaga ka umuuwi pagkagaling sa school kase manunuod ka ng That's Entertainment or AngTV?(sikat si jolina, sheryl at manilyn!)
Kung alam mo lahat dito lagpas ka na ng 25 years old... kapag halos lahat alam mo, nasa 18-25 ka...huwag ka magdeny.. tumawa ka na lang.. di ba 75 centavos pa lang pamasahe sa jeep noon at mas masarap ang mellow yellow kesa sa mountain dew at lift?at higit sa lahat 4:30 na kase AngTV na or THATS ENTERTAINMENT kase inaabangan mo bagong dance steps ng UNIVERSAL MOTION DANCERS!Wag kalimutan ang sayaw na TONY at boy band na MENUDO
I like this blog..it is really nice to reminisce our childhood once in a while. thanks.
ReplyDelete